Sunday, August 3, 2008

muzik d^_^b


Nakadalawang kape na ata ako ngayong gabi palang..isang may cream at isang walang cream.. (eh ano ngayon?) wala lang.. nabanggit ko lang...

anyway, bakit nga ba ako inspired gumawa ng entry ngayon? hay ewan parin...

as of August 04, 2008... almost 2 months na mula nung magstart ang acad year...

ang dami nang nangyari... lectures... exams... quizzes... acquaintances... ilang araw ng pagpupuyat at pagdadiet... mga events... at kung ano pa...

speaking of pagdadiet, sa ginagawa ko di naman ata ako pumapyat... grrrrr....

pasta addict na ko... biskwit sa umaga... after ng chem class.. kain ulit... after ng physics.. kain ulit, pasta sa caf.. after ng math.. kain ulit ng pasta... wahaha.. bumilis ng 4x ang rate ng digestion ng pagkain ko.. haha... tapos magpapalamig sa lib hanggang makatulog.... hay...

3 weeks na din ata lumipas nung magumpisa akong sumali ng parish choir... laking tulong na din to.. pampaalis ng stress... lalo na't ang subjects ko this sem eh "holy trinity" ayon na din sa kaibigan ko... Ang dami ko nang nameet... at least di na ko "island" sa bagong mundo na 'to...

Namiss ko sila... sobra... yung mga skulmates, orgmates, at friends ko sa iloilo. Naaalala ko pa yung mga gabing nagpaparactice kami sa AS para sa concert, tapos kumakanta habang naglalakad pauwi. Namiss ko na din magsalita ng hiligaynon. pero siyempre lumaki ako ng bulacan kaya ok na ok ako sa pagtatagalog. Buti nalang at may mga nameet din akong mga taga-iloilo dito.. at least pakiramdam ko at home ako...

sa ngayon masaya ako... siyempre naman dapat lang... ang nakakainis lang nga may bugs sa bed ko, nakakaannoying kasi baka gapangin ako... wahahaha...

Why do I love music so much?

nakakawala ng stress... lalo na't sobrang stress ang binibigay ng mga subjects ko at dahil na rin sa external forces... pero pwede na rin negligible...
manghang mangha ako pag pinapanood ko sa you tube yung performances ng mga chorale... nakakaiyak... sarap pakinggan... wish ko minsan maging part ako ng ganung performance... yung nagpapasaya ng mga puso ng mga nakikinig... I love people who love and appreciate music so much...

I wish mameet ko someday ang magiging ka"duet" ko...
yung kakantahin namin yung song na "ikaw lamang" ni janno at jaya...
yung song din na "i want to spend my lifetime loving you"...

Yung person na kakantahan ko ng "one friend" ni Dan Seals
"I'll be there" ni Martin Nievera
"At Your Side" ng The Corrs

para sakin black en white ang buhay pag walang musika...
sa isang nota nagsisimula ang lahat...
masusundan pa ng isang nota... sunod sunod na yan...
lapatan ng titik.. komposisyon na...
maraming salamat musika...
nagkaroon ako ng pangalawang pamilya...
ikatlong pamilya... nth pamilya...

Maraming salamat musika...

hindi ako nagiisa...

No comments: