siguro, im the type of guy na pabago bago ng isip...
When I changed my degree from biology to food technology (which at that time my dream course), i thought that would be the final. Before the semester ended (2nd sem 07-08) some of my batchmates knew already that i'll pursue my application for transfer in diliman, hoping that this time i wll be accpepted, though i promised myself not to tell them...
at the end... i was surprised that im in... hindi nga lang food tech pero materials engg.. wow engg... masasabi ko na din na "so what kung uno ka, engg ka ba?" yabang no? everyone was asking about my new course... they added, what will be my work if i graduate? siyempre kahit papaano alam ko kung ano yung course na lilipatan ko, so ayun.. exlplain... explain... explain... hanggang sa matanggap nila...
anyway, the first month of my first semester here in UP diliman had already started. As usual i have to adapt to the new environment... it is a characteristic of every organism to adapt to a new environment in order to survive... so ayun... so far, dumadami na mga acquaintances as well as friends around the campus... nag-eenjoy naman sa physics and chem as well as math... pero medyo gumagapang sa math 53 kaya kelangan mag-aral mabuti...
math53... isa sa mga magiging kalbaryo ko... meron pang math 54 at 55... para sa akin, wlang imposible kung nag-aaral. funny nga lang kasi i was under a professor which is according to rumors "terror". my friends asked me who's my professor in math.. i told them "si Agapito". na-shock sila. Everyone was saying, "hala lagot ka, mahirap yun magpaexam". my roomate even told me "kung may time pa, magchange-mat ka na..." Siyempre kinabahan ako... nung una di ako makarelate sa mga pinagsasabi nya... sobrang nosebleed ako... the fact na ngayon ko palang maeencounter ang calculus sa buhay ko. and my math 11 and 14 background were not so good since i took it a year ago... sobrang nahirapan ako. Pero as we moved on to the next chapter, yung first impression ko nag-iba. I realized that its true he wasn't able to communicate properly in his discussions, pero amazed ako na ginganahan akong makinig sa kanya.
Pero.. dumating ang first quiz ko namin sa kanya... since di maganda yung mga days ko ng pakikinig sa kanya sa 1st chapter... nataranta ako.. as usual, cram... pagdating sa exam, mental block, alang masagot... sobrang disappointed ako. So ipromised myself to study harder and control muna sa gala at mga gawaing walang kwenta... I promised my mom that i will not fail or drop any subjects at di ko siya bibiguin. I know i can do this...
until now di parin ako makapaniwala na nandito ako ngaun... nangako ako sa mga friends ko sa UPV na di na ko lilipat. Di naman kasi ako nageexpect na matatanggap ako. I missed them. so much... mahirap na siguro makaestablish ng ganung bonding na sobrang close dito sa mga friends ko sa upd. i miss them so much.. ang Choristers family ko... ang SoTech community... ang Clovers... lahat ng skulmates ko... If only i have the chance to visit them soon... And i miss Iloilo... now i realize, sa huli mo lang malalaman ang importance ng isang bagay once na wala na yun... sabi nga sa kantang yellowcab taxi "Don't it always seem to go, that you dont know what you got 'till its gone" (baka mali lyrics, senxa na)
Sabi nga ni Jason Mraz, Life is wonderful and meaningful...
naku mahaba na tong post ko... gutom na ko.. till next time =)
No comments:
Post a Comment